? Kagalakan, kaligayahan, kalusugan: 1. Kapayapaan sa loob. 2. Pagkuha ng kasiyahan mula sa pagtulong at pagiging isang suporta para sa Iba. Relasyon. 12R.tv❌✅ Nais ko sa Iyo, sa aking Sarili at sa Iba na sa katapusan ng susunod na taon, bawat isa sa Atin ay masasabing: “Ang 2022 ang pinakamagandang taon ng aking buhay ??”. Marcin Ellwart
Tuwa
Ang tuwa o katuwaan[1] ay mga bagay-bagay at pangyayari na nagiging sanhi ng kagalakan o kasiyahan sa isang tao o anumang nilalang. Kasingkahulugan at kaugnay ito ng lugod, kaluguran, ligaya, kasiyahan, saya, kaysaya (mula sa “kay saya”), galak, kagalakan[2], malaking kagalakan, ligaya, kaligayahan, kasiyahang-loob, at kasayahan.[3]
Ayon kay Barbara Holland, maraming mga katuwaan na nanganganib na mawala sa buhay ng tao dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa makabagong panahon. Ayon sa aklat ni Holland (at sa kaniyang pananaw bilang may-akda nito) na pinamagatang Endangered Pleasures (In Defense of Naps, Bacon, Martinis, Profanity, and Other Indulgences) o “Mga Nanganganib na Katuwaan (Sa Pagtatanggol ng Pag-idlip, Tosino, mga Martini, mga Kalapastanganan, at Iba pang mga Kalabisan),[4] kabilang rito ang mga sumusunod na halimbawang nakatala sa ibaba. Halos hindi na napupuna ng mga tao ang mga katuwaang matatanggap mula sa mga karanasang nakatala rito dahil na rin sa labis na kaabalahan ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na buhay sa kasalukuyan:[5]
Wikipedia.org:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Tuwa
Kalusugan
Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga enerhiya at materya (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan ang kalusugan bilang “isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan.”
Ang kalusugang pangkapaligiran, nutrisyon, pag-iwas sa sakit, at kalusugan ng publiko ang pinakamatibay na aspeto ng pagiging magaling na matibay na naangkop sa larangan ng medisina. Maaaring siyasatin at tulungan ng mga aspetong ito ang pagsukat sa pagiging masaya at magaling.
Sa ibang lipunan, sangkot sa kalusugan ang pangangalaga ng kalagayan ng katawan pagkatapos makamit ang mas pangunahing mga pangangailangan ng pagkain, tirahan at pangununahing alagang medikal. Nilalapat ang karamihan sa mga kasanayang ito upang mapagpatuloy ang kagalingan, sa katotohanan, nilalayon ang pagpigil sa mga naibubunga ng pagiging may kaya, katulad ng pagiging mataba at ang kakulangan ng ehersisyo.
Lumago bilang isang tanyag na kaisipan ang kagalingan sa mga kanlurang bansa simula noong ika-19 na siglo, habang nagsimulang lumitaw ang mga gitnang uri sa mga industriyalisado mundo, at sa panahon kung saan mayroon oras at mga yaman ang bagong masaganang publiko upang ipagpatuloy ang kagalingan at ibang anyo ng sariling-kabutihan. Marami sa mga produktong pangkonsumo, mula sa mga maliit na bahagi ng mais hanggang sa pang-mumog, na pinakinabangan o hinango mula sa mga lumilitaw na pagkagusto sa kagalingan.
Ang kagalingan ay maaaring kinabibilangan ng paggamit ng maka-agham na mga pagsubok at pagsasanay upang mapanatili ang kalusugan, katulad ng pagtingin sa kolesterol, presyon ng dugo, glukosa, at iba pang mga pangitain ng katawan. O maaari na kinabibilangan ng mga kontrobersiyal na pagsasanay, katulad ng pagiwas sa mga ilang pagkain o paginom ng ilang bitimina o alternatibong medisina.
Maaari na isalarawan ang pansariling kalikasan ng “kagalingan” sa pamamagitan ng isang palagay na halimbawa ng isang tao na iniiwasan ang mga dinagdag na sangkap sa pagkain at mapili sa pagpili ng pagkain upang mapahaba ang kalusugan, ngunit walang iniisip sa pagsakay sa isang kotse at pagmaneho ng daan-daang milya. Sa estadistika, mas malaki ang panganib sa pagamit ng mga sasakyan kaysa sa pagiwas sa mga dinagdag na sangkap sa pagkain, ngunit naramramdaman ang “pagiging malusog” sa paiwas sa mga pagkain o mga dinagdag na sangkap sa pagkain, samantala nararamdamang di kasiya-siya ang paiwas ng paggamit ng sasakyan.
Kahit na ang mga kaparaanang ginamit ay hindi napatunayan ng agham, ang pagpapatuloy ng kagalingan ay maaaring makapabuti ang kalusugan sa pamamagitan ng epekto ng plasebo. Maaari na magpababa ng ligalig at mapabuti ang kanilang pakiramdam ng pagiging masaya o magaling ang sinumang nakakaramdan ng “galing”, kinakamtan ang isang pinabuting sikolohikal na kalagayan na may napatunayang epektong pakipakinabang sa iba’t ibang sistema ng katawan, kabilang ang presyon ng dugo, gumaganang sistemang panunaw, at sistemang panlaban. Tinuklas ng larangan ng sikoneuroimunolohiya ang mga pagsama-sama nito sa isang siyentipikong paraan, at bahagi din ng medisina.
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kalusugan
Wikang Tagalog
Wikang Austronesyo na tubong sinasalita ng mga Tagalog sa Luzon, Mindoro at MarinduqueAng Wikang Tagalog (Baybayin: ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜆᜄᜎᜓᜄ᜔), na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”) ngunit hindî de jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang Wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino). Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV (CALABARZON at MIMAROPA), ng Bulacan, at ng Kalakhang Maynila. Ang wikang ito ay ginagamit din sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat-etnolinguistico. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ang Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o “pangkaraniwang wika” sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino na nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalát ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.